[Verse 1] Bakit ba gan'to Ang bibilis naman ng tao Ate, kuya, ano? Isang text lang, biglang naging kayo Ano na bang nangyayari? Nag-chat lang, nagtawagan na ng "baby" Ito na ba ang pag-ibig ngayon? Masyado na ba tayong nagmamadali? Ang puso 'di mapakali [Pre-Chorus] Hindi naman ganito dati Kasi dati, aakyat ng ligaw Dati, kahit 'di bilhan ng hikaw Dati, haharanahin ka pa Sa harap ng buong pamilya Hindi kailangan ng pera Basta't ang puso mo'y tapat Isang tula o kahit isang sulat [Chorus] Dati, dati, eh eh Dati, dati, eh eh Sana ngayon, katulad lang ng dati [Verse 2] Isang beses may lumapit sa 'kin Isang lalaking may hangarin Sabay tanong: "Ate, anong number mo?" Sabi ko: "Kuya, call center ba 'ko? Bakit mo kailangan number ko?" Sabay back out, 'yun pala hindi seryoso Hindi naman sa nagpapabebe Iniingatan lang ang puso, pwede? Hindi naman ganito dati [Bridge] Dati-rati, ihahatid ka pa Dati-rati, susulatan ng tula Dati-rati, susuportahan ka pa Bakit ngayon, parang ang dali-dali na? [Verse 3] Hindi lang ang lalaki ang may kasalanan Pagkadelikadesa'y 'wag din sanang makalimutan Dati-rati, ihahatid ka pa Dati-rati, susulatan ng tula Dati-rati, susuportahan ka pa Bakit ngayon, nagpakain sa sistema? (Dati-rati) Hihintayin ka pa (Dati-rati) Hindi bigla-bigla (Dati-rati) Susuyuin ka pa n'ya (Mga ate) 'Wag magpadala sa bola, ah, ah (ah) Dati, ika'y nirerespeto Ngayon, dinedire-diretso Dati, ikaw lang, sapat na Ngayon apat na kulang pa Kulang pa (ah) [Chorus] Dati, dati, eh eh Dati, dati, eh eh Dati, dati, eh eh Sana ngayon, katulad lang ng dati
All Rights Reserved. © 2026 | author.mfontillas.site